Thursday, February 2, 2012

Ang Aking Talambuhay

Ang Aking Talambuhay

            Ako si Jaine Gatdula Mendoza, panganay na anak nina Gng. Analyn Gatdula Mendoza at G. Joselito Lagurin Mendoza, ako ay isinilang noong Setyembre 18, 1996. Ang aking ina ay tatlumpung taong gulang na nakapagtapos ng Bachelor of Elementary Education sa Laguna State Polytechnic University sa San Pablo City. Ang aking ama naman ay 42 taong gulang na isang undergraduate ng Bachelor of Science in Agriculture sa Don Severino Agricultural College sa Indang, Cavite. Ang aking nag-iisang kapatid ay si Joselyn Gatdula Mendoza, labing-isang taong gulang nakasalukuyang nasa ikalimang baitang sa Paaralang elementary ng Imok, Calauan Laguna.
            Ang aking pag-aaral sa eskwelahan ay nagsimula noong ako’y apat na taong gulang pa lamang. Pumasok ako sa Imok Day Care Center nang taong 2001 at naging guro ko si Gng. Juliet Abril. Sa araw ng pagkilala ay ginawaran ako ng Unang Karangalan. Taong 2002 hanggang 2008 ay tinapos ko ang aking Elementarya sa Paaralang Elementarya ng Imok, Calauan Laguna. Sa mga panahong ito ay sinikap kong mag-aral ng mabuti upang suklian ang pagmamahal at suporta ng aking mga magulang. Sa una, ikatlo, ikaapat, ikalima at ikaanim na baitang ay nakakuha ako ng Unang Karangalan ngunit nang ako’y nasa ikalawang baitang ay nakatanggap ako ng ikalawang karangalan.
            Nang mga panahong ito, ako ay nahilig sa pagsali sa mga Quiz Bee sa iba’t-ibang asignatura sa desisyon ng aking mga gurong tagapayo, pati na rin sa Story Telling at tie dyeing. Sa kabila naman ng pagkawili ko sa mga pang-akademikong gawain ay masasabi kong hindi ako nahumaling sa sports tulad na lamang ng volleyball, table tennis at iba pa.
            Sa pagtatapos ko ng elementarya, taong 2008. Nagtapos ako bilang mag-aaral na nagkamit ng unang karangalan, Calauan Municipal Government Award, Rural Bank of Calauan Monetary Award, Liceo De Calauan Award, IKASAKA Multi-purpose Cooperative Award at Parangal ng Bise-gobernador bilang Batang Lider 2008. Ang araw na iyon na hinding-hindi ko malilimutan ang nagbigay sa akin ng lubos na kaligayahan na naging dahilan ng di ko namalayang pagluha dahil sa saya na aking naramdaman. Tila pinawi nito ang mga pagod na aking pinagdaanan at higit pa sa aking inaasahan ang aking nakamit.
            Taong  2008-2009 ay sinimulan ko ang pagpasok sa Sekondarya, ang ikalawang yugto na aking pag-aaral. Ang aking unang taon ay sa Dayap National High School Calauan Annex. Ako ay nasa I-A St. Joseph bilang gurong tagapayo si G. Teofilo B. San Jose, ang gurong nagturo sa akin ng napakaraming bagay at nagpatunay sa akin na “dapat mong mahalin ang sarili mo kung sino at ano ka”. Ang aking oaras ay itinuon ko sa pag-aaral at nahilig ako sa pagiging Editorial writer ng dyaryong Foliage at naging Scout Patrol Leader din ako ng Girl Scout sa aming paaralan. Sa araw ng pagkilala ay pinarangalan ako ng Model Student Award, Medal of Self-Reliance, Best in Social Studies, Best in Science at Unang Karangalan.
            Taong 2009-2010 ako ay nasa ikalawang taon ng sekondarya bilang gurong tagapayo si Gng. Jenelyn Latayan sa II-A St. Jude. Dito nanatili pa rin ako sa mga dati kong gawain at pinasik ko rin ang Supreme Student Government at nahalal bilang  Bise-presidente ng naturang samahan. Ginampanan ko ang aking tungkulin sa abot ng aking makakaya para sa aking paaralan, guro at kamag-aaral. Sa pagtatapos ng aking ikalawang taon ay ginawaran ako ng Ikalawang pwesto sa Spelling bee sa aming paaralan, Best in English, Best in Mapeh, Best in Filipino, Best in Science at Unang Karangalan.
            Taong 2010-2011, Ikatlong taon ng aking pag-aaral ng sekondarya ay lumipat ako sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School, San Pablo City. Dito, ako ay nasa III-b bilang gurong tagapayo si G. Lorenza Umali at Bb. Ana Lee. Tunay na napakahirap ng aking nagging sitwasyon dahil sa wala pa akong mga kakilala at para bang lahat ay bago sa aking paningin ngunit ginawa ko ang aking makakaya para mapaunlad pa lalo ang aking sarili. Nang tumagal... halos kalaghatian na ng taon ay nagkaron na ako ng kumpiyansa sa aking sarili at naging komportable ako sa mga bagay sa aking paligid. Nagkamit din ako ditto ng ikalawang pwesto sa Essay writing contest sa pagdiriwang ng English week sa aming paaralan.
            Sa kasalukuyan, taong 2011 ako ay nasa ikaapat na taon na ng sekondarya at malapit ng magtapos sa ikalawang yugto ng aking pag-aaral. Ako ay nasa IV-Archimedes bilang gurong tagapayo si Gng. Rosy Audije. Ngayon ay marami na akong natutunan sa bawat pangyayaring dumaan sa aking buhay.
            Sa aking pag-aaral, ang aking ginugustong asignatura ay Science, Filipino at English ngunit masasabi ko na hindi talaga ako kagalingan pagdating sa Matematika.
            Sa pagdaan ng mga araw ay nahilig ako sa musika na dati ay parang wala lang sa aking pandinig. Sa tulong ang aming SK Councilor na si Andrew Romero ay nabuo ang bandang “Mouthpeace” na kinabibilangan nina Cloyd Guevarra na lead guitarist, Axel Rose Maligalig na tumutugtog ng rhythm, Embert Pajadan na drummer, Elaiza, Uriah Rose Maligalig at Andrew bilang mga mang-aawit at ako bilang bassist ng banda. Hindi man ako ang tipong magaling maggitara  ay pinipilit kong paunlarin ang aking talent. Halos lahat ng oras na wala akong mabibigat na gawain ay itinutuon ko sa aking gitara. Ang aming unang pagtatanghal ay noong nakaraang Agosto 15 sa isang Open Jam sa San Roque, Alaminos Laguna at sinundan naman ito ng isa pang Open Jam sa Masiit, Calauan Laguna at ang huli naming tugtugan ay sa aming barangay sa Imok sa pagdiriwang ng aming kapistahan. Ang gawaing ito ang nagpapasaya sa akin sa araw-araw at ito ang talentong bigay sa akin ng Diyos na hinding-hindi ko sasayangin.
            Ang aking pangarap pagkatapos ng sekondarya ay pumasok sa kolehiyo sa kursong Public Administration at itutuloy sa Law sa kagustuhan na rin ng aking mga magulang at dahil na rin sa aking pagpili. Alam kong isa ito sa mahirap na parte ng pag-aaral ngunit gagawin ko ang aking makakaya para masuklian ang lahat ng suporta ng aking mga mahal sa buhay at para na rin mapatunayan ko na hindi ko sasayangin ang buhay na ipinagkaloob sa akin ng Panginoon.
            Lubos ang aking pasasalamat sa mga taong nagging malaking parte ng aking buhay. Ang aking mga kaibigan na lagging nandyan para sa akin, mga guro, kamag-anak, kabanda, pamilya at higit sa lahat ay sa Panginoon. Sa huli, masasabi ko na tanggap ko kung ano at sino ako sa paningin ng ibang tao ngunit pinipilit kong maging mabuti sa lahat.  

12 comments: